Nagsimba kami kaninang hapon. Dumating kami mga 04:45 PM na at may misa na kasalukuyan. Kaya sabi nila Mommy, sa susunod na mass na lang daw kami, 05:30 mass daw. Noong una, nasa labas pa kami kasi puno pa. Maliit lang yung simbahan eh, kaso maraming tao lalo na dahil andoon yung Virgin of Mary the Rosary galing ng Manaoag. Ang dami ko nga rin nakita, karamihan nursing students ng school ko. Ka-batch ko sila at ngayon eh nagre-review sila. Nakakagulat lang at ang dami nila dun, haha! De ayun, nung tapos na yung mass, pumasok na kami kasi nga maya-maya lang eh puno na naman `yun. Nu`ng hindi pa nakakahanap ng pwesto, naupo muna kami sa may labas ng simbahan, nakatabi ko pa yung dating classmate ko nu`ng high school, si MJED. Heheh, nakakatuwa lang, nakapagkwentuhan pa kami ng kaunti. Tapos maya-maya tinawag na ako kasi nga me pwesto na raw kami. De nakapasok na kami sa loob, at doon mas maraming nursing students pa ang nakita ko, haha! Noong una hindi ako makahinga kasi ang dami na ngang tao, amoy insenso pa. Buti na lang may nakatapat sa aking electric fan. Ayun, nakakagood-vibes lang yung misa, parang ang saya ng tugtugan, ang saya ng mga tao. All-out nga ang pagkanta ko eh, hehe! Tapos napansin ko yung lalaking naglilipat ng mga slides sa computer para sa projector na guide ng mga tao. Unang naisip ko, ang cute niya. May hitsura kasi talaga. Napansin ko rin na Accountancy student siya, nasa t-shirt niya kasi nakalagay, JPIA. Ang cute din nung shirt niya. Tapos ayun, parang natitingin na lang ako bigla sa kanya, haha! Takte nakuha ko pang umarte sa simbahan. Pero kasi ewan ko ba ang cute lang niya. Lalo pa akong naaliw during the homily ni Father. Nakakatuwa kasi yung homily niya, una about pa kay Lady Gaga. Basta nakakatawa lang, tapos pag natitingin ako sa kanya at ngumingiti siya, grabe lang. Grabe talaga. Ang cute niyaaaaaaaaaaaaaa. Hilig pa niya kagatin labi niya. Tapos may dimple siya. Hahahaha! I know mali kasi nasa simbahan ako pero ewan di ko mapigil di matingin sa kanya. Tapos nung natitigan ko siya, parang familiar na siya sa akin. At nu`n ko narealize na kilala ko pala siya. Hindi ako nangangarap o ano, pero kilala ko talaga siya. Close friend ko siya noong grade school. Palagi kami magkasama. At matalino siya. At altar server siya. At magaling talaga siya at malapit kay Lord. Medyo gay-ish lang siya nu`n. Heheh. Pero close talaga kami. Classmates ko siya ng ilang taon rin. At ayun, sobrang nakakatuwa lang na after ilang taon, nakita ko ulit siya. Ang saya. Ngayon, very manly looking na siya. Dati payatot lang siya, ngayon me laman na. Hindi siya katangkaran pero mas matangkad siya sa akin. Basta ang linis nya tingnan. Nakakatuwa lang. :D

Basta alam ko, kilala ko siya… at nu`ng  may peace be with you time na… nagkatitigan kami, at siyempre awkward for me na ngitian ko siya baka kasi hindi na niya ako kilala.. tapos ayun, bigla siyang ngumiti sa akin, at siyempre ngumiti na rin ako. hahahaha grabe kinikilig talaga ako nu`n. Sobrang saya lang. Favourite part ko sa mass eh yung after ng peace be with you eh, yung kordero ng diyos na kanta. hahaha grabe kanina lang ako maiyak-iyak sa kilig. First time lang, hahaha. Sa harap pa ng Diyos. Hehehe. Tapos ayun, komunyon na. De nakapila na kami, at after masubuan ng ostiya, eh babalik na sa upuan. Eh sa side kung saan ako lalakad, eh andun siya.. kaya nung pabalik ako, nagkatinginan na naman kami, tapos ngumiti na naman ulit siya. At syempre ngumiti ulit ako. hahahah! Grabe sobrang masaya lang talaga ako. Hahahaha! Natutuwa lang ako na kilala pa rin niya ako. ^__________^ At nu`ng nakaluhod ako, super nakangiti ako. Grabe, habang nagdadasal ako nakangiti ako, hindi ko mapigil. Hahahah (kahit habang tina-type ko `to, nakangiti ako hahaha.) Tapos nakita ko lang siyang nakatingin sa akin, hahaha grabe lang baka napansin niya ang todong ngiti ko. Nakakahiya. XD

Tapos ayun, nu`ng tapos na yung mass, may time na nga para puntahan yung imahe ni Blessed Virgin Mary of Rosary, de nakapila kami para humawak at magdasal. At siya, inaayos na niya yung laptop at projector. (haha, tumitingin pa rin kasi ako!) At ayun, medyo una kami sa pila kaya nakatapos agad. Tapos nagkasalubong kami, at ayun nag-usap na kami. hahahaha! Tinanong niya ako, kamusta na daw ako. Sabi ko, okay lang. Siya? At saka buti kilala mo pa ako, sabi ko. Oo naman, sabi niya. Ako nga daw si Kathleen Musni. Hahaha! Sabi ko siya, din kilala ko. Tapos ayun, kwentuhan saglit. 5th year na daw siya ng Accounting. Sabi ko ako rin Accountancy. Tinanong niya ako kung nagre-review na ako. Sabi ko hindi pa, grumaduate ako this March ng Management accounting then another year pa for Accountancy. Tapos sabe nya, “ahh okaay, de sabay pala tayo? *smiles*” Ahh oo, kako hahaha. Smileees rin. :D

Tapos ayun, dahil maarte ako.. nagpaalam na ako. Hahahah! Wala lang ang saya lang makita ulit siya. As in solid 8 years ata o higit pa, na hindi kami nagkita. Or kahit ano. Basta ang saya lang nag-meet ulit kami, sa simbahan pa. Whahahaha! Ang arte ko! XD Natutuwa lang talaga ako. Sana magkita pa ulit kami! :D

The Avengers + Choi’s treat (Taken with instagram)

The Avengers + Choi’s treat (Taken with instagram)

This is the regulated version.hehe

Kathleen’s someone who would do unexpectedly amazing things for the sake of family, someone who knows when and how to be appropriately behaved, someone I loved so dearly (note the past tense), someone who’s talk sounded sensible and enticing. Someone whom I can talk almost about everything, someone who’s responsible enough to be relied upon and lastly but most importantly she’s empathetic enough to know how you feel without the need to voice out.

I wouldn’t mind causing you the most insupportable vexation tomorrow! >:P

03/365 03Jan: O hai, School Days

First school day of 2012.

03/365 03Jan: O hai, School Days

First school day of 2012.

12 July 2011, Tuesday

So ano ang nangyari sa akin today in bullets, LOL

  • Nagising ako 7 AM. Gusto ko pa talaga matulog kasi antok na antok pa ako. Kaso nabasa ko text ni Boss Aaron, around 03:30 AM `yun, sabi pumasok daw ako ng 10 AM kung pwede. Ayna, hindi pwede! HAHAH. Tapos naalala ko, may ita-type pa pala ako, deadline noon today. Hindi ko nagawa kagabi kasi super pagod na ako. 11 PM pa lang, natulog na ako. After a month siguro, kagabi lang ulit ako natulog ng PM pa. xD
  • So ayun, nag-start na ako mag-type. Lahat ng details ng bawat miyembro ng JPIA sa school yung itinype, at ini-ayos ko. 343 lang naman pero kahit na. Kaka-type lang ng mga mobile numbers at e-mail address, aba eh. -__-
  • Inabot na ako ng hapon. 4 PM pa naman class ko, mga 01:30 siguro ako nakatapos. Late ko na naalala na may quiz pala, de nag-review muna ako sandali. After noon, naligo na ako at gumayak.
  • Grabe, gutom ako Super. Since kahapon na inabot kong gutom sa Law, intense na ulit ako magutom.. yung feeling na parang magco-collapse? Ganun. Eh wala namang nakalutong pagkain. De nag-noodles na lang ako at C2. Habang gumagayak, inaayos ko na. Eh mga past 3 PM na noon, kaya super minadali ko. Imagine, ang init noon tapos ang anghang pero parang pinadaan ko lang sa bibig ko. Haha!
  • Naisip ko lang bigla, gusto kong i-perfect yung quiz sa TQM. Para lang naman may nagawa akong nakakatuwa before ako tumanda. Hahah. Super decided talaga ako. Gusto kong maka-perfect, hahahah. Pero hindi ko ugali yung ganoon. Natripan ko lang talaga ngayon.
  • Pumasok na ako. Sa jeep, lintek lang… yung katabi ko eh may baril lang naman sa bulsa. Hahahah! Akala ko hindi ko na mararanasang mag-19. As in nararamdaman ko yung baril na nasa gilid niya. Tae! Hindi rin ako nakapag-review. At ang nakakatawa pa, bumaba siya sa may tapat ng sementeryo, hahaha! Badtrip.
  • Tapos si Ferry, nambwisit pa. Nandun na daw yung professor namin at nagqu-quiz na. Eh ala pa namang 4. Eh nalungkot pa rin ako kasi hindi pa man, eh hindi na magsa-success yung plano ko. Tapos nagtricycle pa ako ng bongga para lang makahabol. Tapos tumakbo ako mula sa gate ng school hanggang sa room namin, dulong-dulo pa sa 3rd floor. Leche. Tapos wala pa naman pala. Grabe lang! >o< pero at least, hindi ako late. Pero nakakainis pa rin. Hmph
  • Grabe lang. Naka 24 lang ako, huhuhuh. Out of 30. :-( Wala palpak. Disappointed ako. Kahit na hindi ako talaga nakapag-review eh na-disappoint ako. Minsan lang ako maghangad, wala pa. :(
  • 04:45 pa lang, wala na kaming klase. So nag-stay kami sa library. Andun kasi yung mga friends ko from block a so sinundan na lang namin sila. Tapos ayun, dun kami tumambay until 05:45? Haha. Yep. 05:30 klase namin actually, nagpalate lang kami, hahah. Badtrip si mahal kaya pinapasaya namin siya ni Ferry. Si Kim naman masayang-masaya kalandian si Dan. Hahaha! 
  • Si Kim kasi naaasar daw siya kay Dan kasi inaasar siya, pero kinikilig naman siya. Hahaha. Sabi ni Ferry sa akin, darating din daw ang panahon, mararanasan ko yun. Sabi ko naman, kahit wala akong boyfriend, nafi-feel ko rin naman ang maasar at kiligin. Pero sabagay, baka iba nga `yon. Hindi ko naman gustong magka-boyfriend pero pwedeee hahahahah. :DDD
  • Advanced Accounting, late kaming tatlo. Ako, Kim, Ferry. Nalulungkot ako. Kaya hindi ako nakinig. Nakikinig pala pero hindi lang gaano. Magkaiba yon. :D Nag-doodle na lang ako. Nagmuni-muni. Tapos si F, akala ata eh talagang badtrip ako. Alam kong nag-aattempt siyang kausapin ako, hindi niya magawa hahaha. Hindi rin kasi ako ngumingiti kahit lokong-loko na ako sa professor namin, in which sa mga normal na araw, eh lagi kong pinapansin.
  • Ipinakita sa akin ni F yung mga pictures namin nung birthday ni Mica sa digicam niya. Pero sa laptop niya ko tiningnan. Hindi pa kasi daw niya nai-upload. Eh nung nakita ko ang lintek, walang pang-upload. Puro kasalahulaan. Hahahah. Parang hindi ako. Parang hindi kame. xD Tapos ayun, may isang photo ko na natuwa ako, so ginamit kong DP ngayon sa Facebook, haha. Yup, tumitingin kami ng photos habang nagkaklase, hahaha. Tapos maaga nagpauwi si Sir, 6 palang. xD Eh 7 pa dapat uwian. Eh ayun, eh hinihintay namin block a so nagstay muna kami sa room. After a few minutes, bumabalik si Sir, nakalimutan daw niya ibigay yung quiz paper namin. Haha nakakatuwa at bumalik pa siya. Gosh, at yun nga.. ako nga ang highest. xD 23/25 hahahah! Langya, Advanced Accounting? For real? xD Hahahah! Pero kainis, I could have perfected it, yung isa kasing problem walang solution.. tapos yung isa sa theory, puchu lang yung mistake ko. Asar! Pero okay na rin, flattered ako. :D
  • Hello, awkwardness. Ang mga lintek kong kaibigan, sobrang obvious ng mga hanep. Hahahaha! Paano pa ako masusurpresa bukas? Hahahah. Natatakot lang ako at baka isinama nila sa kagagahan nila yung mga lalaki ko, hahaha. Shete, oo for sure nakakakilig pero grabe nakakahiya pa rin yun. Hahah shete, baka maka-date ko si Rui, si Gabriel at si Kitty. OMG I`m so gonna die. xD
  • Moment with Rui. <3 <3 <3 De naglalakad kami papunta sa mall, tapos ayun.. doon sa gawing 7-11 parang nakita ko na si Rui. Nag-spark na mata ko, hahaha. Tapos ayun, gosh, dinaanan ko siya, as in nagkadikit kami. Hahaha. Akala ko tapos na.. de ayun, after ko dumaan, umalis na siya hahaha papunta na rin sa mall.. tapos dumaan ulit siya sa harap ko.. as in super close na close sa harap ko.. medyo mabagal pa nga eh.. tapos saka siya tumakbo, whahahahahah!! Grabe lang yung feeling. Hahaha! Sobrang hahaha. Diba? Andameng time para gawin niya yun, hahah. Okay nag-assume ako para sumaya ako. :PPP Kaso dahil sa kalandian ko, nagka-point tuloy si mahal, hmph!
  • Continuation of my friends` awkwardness. Ayun, basta sinasabi nila hindi sila papasok bukas. Ganito, ganyan. Nakakaasar na ewan. Ipagdiinan daw ba. Then yung sleepover na invitation ko, wala pa ring sumasagot sa kanila. Kainis!!! Tapos ayun nga, hindi ko alam kung paano gagawin ko bukas. Kung dito na lang ba ako sa bahay mag-isa o pupunta ako sa school at mag-isa. Kasi kung dito lang ako sa bahay, kahit malungkot ako, walang makakakita. Eh sa school or sa mall? Nag-iisa ako. Nakakainis lang. Kahapon nga lang eh, nasa library ako maghapon, mag-isa. Gusto kong umiyak. Hahaha. Pero gusto ko pumasok. Kasi waaahhh. Ewan. What to do? :(
  • Kitty moment. <3 <3 <3 Yikee. kinausap lang niya ako kanina. Tinanong niya ako about sa birthday ko. Ayie, naalala niya. :DD Kaso ang lintek na Queenie, abot ang parinig nakakainis. Baka marinig or baka alam na ni Kitty na crush ko siya. *n* huhu nakakahiya.. Ang dalas ko panamang kaasaran yun ..hmph! eehhh… sana makita ko siya bukas. hahahah
  • So ayun, fail na fail na talaga yung mga lintek kong kaibigan hahahah. Hindi kasi ako umalis sa piling nila. xD Inaaliw na nga ako ni mahal, nililigaw ako kaso hahaha.. makulit ako eh. Pero naawa na ako sa kanila.. kasi mag-e8pm na, wala pa rin atang nangyayari sa mga plano nila, so ayun pumayag na ako sa kagustuhan nilang palayasin ako. Nakakatawa lang kasi inihatid pa ako ni Jake at Mq hahahah. May body guards pa ako, eh ako nasa likod.. tumatakas ako.. babalikan ko yung iba tapos hinahabol nila ako tapos ginaguide pauwi hahahah super saya lang. Kaaliw. I love my friends talaga. Hahahah. Naee-excite tuloy ako malaman kung anu yung ka-puchuang ginawa nila. xD
  • At ngayon, inaantok na ako. Hahahah! Marami sanang photo na kasama to eh, kaso tinatamad ako ilagay saka matagal.. so next time na lang, ieedit ko na lang. Haaaay. Badtrip kasi wala akong makausap. Wala akong maka-text. Kanina meron kaso inalisan na nila akong lahat. Argghhh. Lalo tuloy akong inaantok. Hmph.
  • And ngayon wish ko lang, sana maging masaya ako bukas. Sana talaga. :D Yayyy.. Excited na ako! Harry Potter malapit na hahahah. Tapos may copy na pala ako as in malinaw na Transformers 3.. hindi na ako manunuod ng sine hahahah! 

Mhelqueen of Palaka sa Pathwalk at Sunog sa SXY

  • Scene I: Habang naglalakad sa pathwalk...
  • Mel: Oy, may palaka oh!
  • Kath and Kim bumaba sa daan.. umalis sa pathwalk. (takot kasi kami sa palaka)
  • Mel: Anu ba `yan! Ang lalaki niyo, natatakot kayo sa maliliit na nilalang.
  • Kath: Eh kadiri kaya.
  • Kim: Basta kasi!
  • Mhelqueen: Hayaan mo nga kasi kami! Bakit ba?! Sa ayaw naming makipag-associate sa palaka, eh!!
  • FGs: HAHAHAHAHAH associate kase!!! xD
  • Kim: Spell associate?
  • Mhelqueen: Pwedeng palitan yung term? Halubilo na lang.
  • FGs: BWAHAHAHAHAHAHHH.
  • xxxx
  • Scene II: Sa daan papuntang mall..
  • Ferry: Uy, nasusunog ata yung SXY, oh!
  • Mica: SXY ba `yon?
  • Kath: Oo ata.
  • (may umuusok kasi sa gawi doon)
  • Mhelqueen: Hindi naman siguro... chimney lang nila `yon!
  • FGs: HAHAHAHAHAH Leche ka, Mhelqueen!
  • Jacke: O sige, ano Tagalog ng chimney?
  • Mhelqueen: Anu nga ba? Chimeneya? xD

Charlotte

Nagtext kaninang mga 1 PM yung high school friend ko na si Charlotte, sabi niya:

Katz malapit na birthday mo. Tatanda ka na naman ng one year. Hehe. San ba tayo? =)

Nangiti naman ako kasi naaalala pa niya kahit paano. Medyo inaantok-antok pa nga lang ako nung nabasa ko `yun, sabi ko re-replyan ko na lang mamaya, kaso nakalimutan ko na rin pala.

Tapos ngayong mga 08:30 PM, nagtext siya ulit, sabi:

Katz sorry! Akala ko July 13 ang birthday mo. Hehe. Sorry. Belated happy birthday. Miss u.

HAHAHAHAHAHAHAHH. Hanep lang. Natawa talaga ako sa text niya. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano eh. HAHAHAHAH. Hindi ko alam kung ano ang nagpa-realize sa kanya para masabi niyang tapos na ang birthday ko, HAHAHAHA. Grabe, akala ko talaga naalala. Tapos biglang bawi, HAHAHAH. Gusto kong replyan siya kaso hindi ko alam ire-reply ko. xD

01 July 2011, Friday

MACC IV-B Meeting :-)

Siomai with seven sticks. Yay, July!!! :> 

Snow Joe + Large Sundae cone ~startedJuly with lotsa icecream

Myself with Mica kong mahal :-)

Tash na dumighay ng wagas at umubo ng may putok at wagas and Jelai na ang bungad na tanong sa akin eh, “Nasaan si Kirby?” Haha!

Kath, Kulot, Kishie ==== KKK ~~K. LOL.

Ang naka-sideview at madayang si Tashing!! >:(

Hahaha! Daya, binura ni Kishie yung photo before this. Mas epic!

Namiss ko bahay nila Rheaaa. :3

G. Dragon and Top poster sa kwarto ni Rhea

The-not-so-wasted-but-looking-wasted me.

Fries. Nuggets. Fishballs. Sayaaannng!! Next time!

These two girls saved me tonight! Arigatou~

My July turned out sooo gooood. Extra-good! Except na lang sa possibility na walang pasok ang July 13, at lahat ng Wednesdays the whole semester. Nalulungkot talaga ako! Walang pasok ang favorite day ko meaning I`ll be stuck at home alone. Walang pasok ang birthday ko, walang kakanta para sa akin. Mas wala ng pag-asang may maka-pirma sa birthday ko. Nakakalungkot talaga! D:

But despite of that, happy pa rin naman ako. Pero sana talaga, maayos pa `yun. Hoping! :3

Last 13 Days

17 June 2011, Friday

NOT REALLY A GOOD DAY IN BULLETS

Read More

Hit Counters
O hai~! :3 Kathleen-chan. 19. Filipina. Nocturnal. Sentimental. Lazy. Fat yet smexxxy. Blah. *3*
~*~*~*~*~*~
Read the Printed Word!
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
free counters